Saturday, April 8, 2017

COLLEGE : What I Experienced as a 3rd Year Pharmacy Student

I consider my experiences during my 3rd year studying Pharmacy as somewhat exciting. There are a lot of "first." It helped me get out of my comfort zone to become a better person and to manage my time wisely.
WHAT I EXPERIENCED: 
1. To be late
I am never late. On time ako lagi lalo na klase. Before, I consider being late as a mortal sin pero ngayon normal na sa akin ang ma-late. 
2. To review for the quiz 30 minutes before the actual quiz
I am always prepared pero ngayong 3rd year wala ng time to prepare. Sa sobrang dami ng aaralin mo kailangan mabilis ka para ma-review mo lahat ng lessons at kapag wala na talagang time, kailangan alam mo kung ano ang mga importanteng reviewhin sa mga notes mo para makapasa sa mga quiz.
3. To answer the quiz without any idea about it
Nakatulog kasi ako nung gabi tapos hindi naman ako nagising ng maaga so ayun nag-quiz ako ng walang alam. Sabi ko sa sarili ko hindi ko na uulitin pero naulit pa rin ng maraming beses =). Kamusta  naman ang grades ko? – Nakapasa naman =D Kaya dapat talaga discussion pa lang nakikinig ka na para if ever you don't have time to review for the quiz, you still have an idea about it kasi nakinig ka sa discussion. 
4. To be sleep-deprived
Five to six hours na lang ang tulog ko and I consider it as sleep deprivation kasi I normally sleep for seven to eight hours a day.
5. To actually laugh at myself while taking an exam (because I know I’m dead)
That was during midterm exam. I know I reviewed and I did my best pero wala talaga eh. Mahirap talaga ang exam. Sa sobrang hirap nakangiti ako habang nagsasagot. Totoo... nakangiti ako at natatawa buti na lang hindi ako nakita ng proctor baka akalain nabaliw na ako.
6. To fail (exam, quiz, etc)
Yeah, I failed one of my exam. First time ever. Pero okay lang at least na-experience ko at marami naman kami haha! Naranasan ko rin na paulit - ulit bumagsak sa quiz. Natatawa na nga lang ako eh kasi sunud - sunod yun na bagsak ako sa quiz sa subject na yun. Buti na lang mataas ang grades ko nung prelims kaya nahaltak nya yung grades ko.

7. To join a quizbee
Unexpectedly, I was included in the list of students qualified for the quizbee at naka-abot ako sa Top 10. Okay lang na hindi ako nanalo kasi yun nga lang makapasok sa top 10 masaya na ako.
My Quizbee Buddies (at the bottom from L to R) - ako, dhanna, kyle, emie, cynthia.
8. To be a multimedia student major in acting, directing and video editing 
Even before, I really enjoy editing videos during my freetime at ngayong 3rd year sobrang nagamit ko sya kasi puro video presentation ang mga projects namin. Masaya siya kasi kung saan - saan kami nakapunta for our shooting. Naranasan ko rin ang mag-act kasi may mga commercial kami na ginawa at sobrang saya nya gawin lalo na kung mga kaibigan mo ang kasama mo.
Cast your Charm with Serendipity
Serendipity Commercial
Mademoiselle Lipstick Commercial 
9. To model 
Akala ko madali lang ang mag-model kasi ngingiti ka lang, mahirap pala lalo na kung may RBF syndrome ka kagaya ko. Mas madali pa umarte sa harap ng camera. My friends always told me that I have a "neutral' face. Hindi daw nila malaman kung ano ang emosyon ko kaya nung ako yung kinuha nilang model para sa mga presentation namin, sobrang nahirapan ako kasi masyadong "plain" ang mga pictures. Buti na lang, sa last shooting namin, nai-portray ko na yung "look" na hinahanap nila at natuwa naman professor namin =D 

10. To perform in front of a live audience.
Our group was chosen to represent our section in the marketing competition. First time ko to na gawin though even before naranasan ko na rin naman magsalita sa stage pero iba kasi ang marketing competition. You need to attract your audience. Kailangan hindi boring kasi you are marketing a product. Nakakatawa nga siya eh kasi we are marketing a mineral water and we only have 15 minutes to prepare (on the spot mo malalaman yung product na ima-market mo). Buti na nga lang hindi kami napahiya. Yun lang naman kasi ang goal namin - hindi mapahiya pero sobra sobra ang bumalik sa amin kasi 2nd place kami. Yey!!! 
11. To meet other people
Ngayon lang kasi kami ulit nagkaroon ng bagong mga kaklase. Sobrang nag-enjoy talaga ako ngayong 3rd year kasama ang mga naging kaklase ko. May maingay, makulit, mabait, matalino, matulungin, mataray, masungit at iba pa kaya masaya kasi iba - iba ang mga personality. They have their own unique personality that made them special.
mga madam
PH 3Y1-4
PH 3Y2-3


12. To not graduate with flying colors and believe that another door will open for me
Unfortunately, hindi ko na maintain ang dapat kong i-maintain. Last year pa ako ready pero ngayon lang siya nangyari kaya natanggap ko naman agad. Nalungkot ba ako? oo kasi sayang eh, sayang yung puhunan pero okay lang kasi sabi nga nila kapag may nagsarang pintuan, may ibang magbubukas at doon ako naniniwala =). Mabilis ko bang natanggap? oo naman kasi nga prepared na ako na mangyayari yun at masyado syang malit na bagay para problemahin kasi yung iba ngang estudyante mas matindi pa dun ang problema nila. Ako nawalan lang ng chance maging "laude" eh yung iba ... gets?
Positivity is the key =)
Marami pa akong na-experience ngayong 3rd year pero hindi ko na maalala pero isa lang naman ang natutunan ko, I learned to PREPARE FOR THE UNEXPECTED. Kailangan handa ka sa kahit anong mangyari. Dapat hindi ka panghihinaan ng loob. ACCEPT CHANGE TO BECOME A BETTER VERSION OF YOU. 

No comments:

Post a Comment