Oo, lahat ng course
mahirap pero iba ang Pharmacy. Aaminin ko dati nadadalian talaga ako sa course
na ito, Hindi talaga ako nacha-challenge. Akala ko ang OA lang ng mga seniors
ko pero totoo pala na mahirap ang Pharmacy. Sa sobrang hirap nya, tinuruan nya
ko to easily let go. Kapag bagsak sa quiz, let go agad para hindi na madepress
pa, kapag late at napagalitan, let go agad para hindi lalong sumama loob. In
short matutong mag-let go para maka-move on agad.
Laboratory Class |
After the quiz kasi wala kaming tulog ... result of our quiz : Ayun, bagsak =( pero move on agad! |
2. Balance academic life and social life
Sa sobrang dami ng inaaral minsan mawawalan ka ng time para
social life kaya naghanap pa rin ako ng time para ma-balance ko ang academic and
social life ko. Paano? By planning ahead or doing schoolwork beforehand. Ayoko
kasi na natatambakan ako ng mga schoolwork. If I know I’m going to have lots of quizzes, inaaral
ko kaagad. Why wait the night before the quiz or the quiz itself? (unless na
lang kung talagang sobrang dami ng ginagawa mo wala ka na ring time magreview). Doing
schoolwork ahead of time reduces anxiety and stress. Plus you will not look
like a zombie from the Night of the Living Dead.
3. Learn to manage stress
Stress talaga ang kalaban ko. Ayoko sa lahat ng nai-stress
ako. One way to know that I’m stressed (alam ito ng mga friends ko) is kapag
naka-ayos ako. In short, ibinubuhos ko ang pagiging stressed ko sa pag-aayos.
Weird right? Ayoko kasi makita yung sarili ko na stressed kasi mai-stress lang
ako lalo so ginagawa kong stress reliever ang pag-aayos. Nakikinig din ako ng
music kapag stressed ako at hindi ko nakakalimutan matulog at magpahinga.
ME at Home without kilay, face cream and lipstick (I look younger without makeup) VS ME during Weekends haha! |
4. Be positive at all times
I know that it’s hard to be positive when everything around
you fails but still, BE POSITIVE.
Instead of saying “I will not fail,” say “I will succeed”. See the
difference? The former is negative and the latter shows positiveness. Remember,
positive attracts positive. Dapat matuto
tayo na kahit lahat ng nasa paligid mo negative, positive ka pa din kasi sa
huli ikaw lang naman ang makakatulong sa sarili mo.
5. Believe in yourself
Magtiwala ka sa sarili mo. If you don’t believe in yourself,
who will believe in you? You should be your no.1 fan. Do not think that you can’t. Think that you can.
No comments:
Post a Comment